今週の動画

MAHIGIT 2.1 MILYONG TURISTA BUMISITA SA JAPAN NOONG AGOSTO

Nagtala ang Japan National Tourism Organization ng 2,156,900 dayuhang turista na bumisita sa bansa nitong nakaraang buwan. Katumbas ito ng 85.6 porsyento ng bilang na naitala sa parehong buwan noong pre-pandemic year 2019.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, malaking kontribusyon dito ang pagbabalik ng group tours mula sa China at ang epekto ng mahinang yen.

Pinakamarami ang mga turista na nanggaling sa South Korea na sinundan naman ng Taiwan, China, Hong Kong at United States.

Follow me!