今週の動画

STARBUCKS TSUTAYA SA SHIBUYA MAGBUBUKAS ULIT NGAYONG ABRIL 25

Muling bubuksan ng Starbucks Coffee Japan ang “Starbucks Coffee SHIBUYA TSUTAYA 1F Store” at “2F Store” ngayong Abril 25. Ang disenyo ng shop ay magpapakita ng konsepto ng “STARBUCKS Green Ribbon.”

Ayon sa IT Media Business, bilang bahagi ng pagsasaayos, mas pinalawak na ang 2nd floor upang maiwasan ang paglipat-lipat ng floor ng mga customers. Ang renovated shop ay mayroong kabuuang 100 seats.

Ang counter na matatagpuan sa unang palapag malapit sa pasukan sa gilid ng Koen-dori ay eksklusibong take-out counter only.

Follow me!