今週の動画

PINAG-IINGAT ANG MGA BIYAHERO NA PA-HOKKAIDO SA MGA BROWN BEARS

Nagbabala ang Japan Airlines sa mga biyahero patungong Hokkaido na maging maingat sa mga brown bears na nakikita sa iba’t ibang lugar dito.

Isinasagawa ng JAL ang pag-anunsyo sa kanilang mga flights na luma-landing sa anim na paliparan sa prepektura kabilang ang New Chitose at Memanbetsu, ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun.

Ilang brown bears na ang nakita sa mga urban areas sa Sapporo. Una nang ginawa ang anunsyo sa mga flights na lumalapag sa Obihiro noong nakaraang taon. Tatagal hanggang sa Agosto ang inisyatiba na ito ng JAL at Hokkaido government.

Follow me!