今週の動画

JAPAN, NAGHAHANDA NG MGA HAKBANG VS PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA

Upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng gasolina ay ipinag-utos ni Prime Minister Fumio Kishida sa mga opisyal ng gobyerno na magsagawa ng mga hakbang para rito.

Sa ulat ng The Mainichi, umabot sa 183.70 yen per liter ang presyo ng gasolina, ang pinakamataas na naitala simula noong Agosto 2008, base sa tala ng Ministry of Economy, Trade and Industry.

Nakatakdang matapos ang kasalukuyang subsidy program ng gobyerno sa katapusan ng Setyembre habang inaasahan naman na makakagawa ng mga bagong hakbang kaugnay nito ngayong katapusan ng Agosto.

Follow me!