今週の動画

NATIONAL TRAVEL ASSISTANCE IS FINALLY COMING TO AN END

Ang National Travel Assistance ay ang programang sinimulan ng gobyerno ng Japan upang ibalik ang sigla ng domestic travel sa Japan na lubhang naapektuhan ng pandemic. Sinimulan ito noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang layunin ng programa ay mahiyakat ang mga residente ng Japan na mag-travel sa loob ng Japan at ang porsyento ng kanilang magagastos ay ibabalik ng gobyerno. Ito ay natapos noong Disyembre ng parehong taon muling ibinalik netong Enero ng kasalukuyang taon.

Ang National Travel Assistance ay magtatapos ngayong Agosto subalit ilang prefectures sa Japan ay nag-anunsyo ng kanilang extension katulad ng Fukuoka prefecture na extended hanggang Oktubre 21, Saga at Ishikawa prefecture na hanggang Nobyembre, Shimane at Okayama na hanggang katapusan naman ng Setyembre.

Para sa kumpletong listahan, bisitahin ang link na ito:

https://travelersnavi.com/coupon/zenkokuwari2307

 

Follow me!