JAL, SUMITOMO MAGPAPARENTA NG DAMIT SA MGA TURISTA
Upang mahikayat ang mga dayuhang turista na bibisita sa Japan na mag-impake ng mas kaunting damit sa kanilang biyahe ay magpaparenta ng damit ang Sumitomo Corp. at Japan Airlines.
Layon nito na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan nang pagbawas ng timbang ng mga bagahe sa mga biyahe sa eroplano, saad sa ulat ng Nikkei Asia.
Ilulunsad ng Sumitomo ang “Any Wear, Anywhere ngayong araw.
Kailang ipadala ng bisita ang kanilang flight information, haba ng pananatili sa bansa, at sukat ng damit sa website nang hindi bababa sa isang buwan bago ang kanilang biyahe. Ito ay makukuha nila sa kanilang hotel.
Nagkakahalaga ng mula 4,000 hanggang 7,000 yen ang renta depende sa bilang ng damit.
Ang serbisyo ay isasagawa muna ng Sumitomo sa mga JAL flights hanggang Agosto 2024 bago palawakin sa ibang airline na kabilang sa Oneworld alliance kung sakaling pumatok sa mga turista.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/30Nag labas ng Tsunami warning ang japan pagkatapos ng M8.7 na lindol sa Kamchatka Peninsula
News(Tagalog)2025/07/24Ang Hokkaido ay maaaring aabot sa 40 degrees Celsius, mapanganib na init na maaaring magdulot ng panganib sa buhay; maging alerto para sa heatstroke
News(Tagalog)2025/07/23Sunog sa 10 palapag na apartment building, posibleng sanhi ng handheld fan habang nagcha-charge; 6 na lalaki at babae ang bahagyang nasugatan, Shinagawa, Tokyo
News(Tagalog)2025/07/18Ang presyo ng condo sa Central Tokyo ay umabot sa record na 130 milyong yen noong Enero-Hunyo