MGA LITRATO, VIDEOS NG PINAPANIWALAANG UFOs, NAKUNAN SA FUKUSHIMA, KOBE
Ipinakita ng International UFO Lab, isang organisasyon na nakabase sa Fukushima, ang anim na litrato at videos ng kanilang pinapaniwalaang mga unidentified flying objects o UFOs.
Isinagawa ng grupo ang pag-anunsyo sa UFO Fureai-kan Hall sa Fukushima noong Hunyo 24 na itinuturing na World UFO Day kung kelan unang nakakita diumano ng UFO sa Amerika.
Sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, sinabi ni Takeharu Mikami, ang lider ng grupo, na posibleng gawin ang mga imahe sa pamamagitan ng computer graphics ngunit kung totoong UFOs ang mga ito ay maaaring may sakay ito na mga aliens.
Ayon pa sa grupo, ang anim na bilog at tatsulok na flying objects ay nakunan sa Kobe, Fukushima at iba pang lugar.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/01Tinatalakay ng Konseho ang pagtataas ng national average na minimum wage sa mahigit 1,100 yen, isang mas malaking pagtaas kaysa noong nakaraang taon
News(Tagalog)2025/07/30Nag labas ng Tsunami warning ang japan pagkatapos ng M8.7 na lindol sa Kamchatka Peninsula
News(Tagalog)2025/07/24Ang Hokkaido ay maaaring aabot sa 40 degrees Celsius, mapanganib na init na maaaring magdulot ng panganib sa buhay; maging alerto para sa heatstroke
News(Tagalog)2025/07/23Sunog sa 10 palapag na apartment building, posibleng sanhi ng handheld fan habang nagcha-charge; 6 na lalaki at babae ang bahagyang nasugatan, Shinagawa, Tokyo