今週の動画

ANA, JAL KABILANG SA TOP 10 NG WORLD’S BEST AIRLINES

Pasok sa Top 10 ng Skytrax World Airline Awards 2023 ang All Nippon Airways (ANA) at Japan Airlines (JAL) na inanunsyo sa Air and Space Museum sa Paris Air Show.

Pumangatlo ang ANA kasunod ng Singapore Airlines at Qatar Airways habang pumuwesto naman sa panlima ang JAL kasunod ng Emirates.

Nakuha rin ng ANA ang titulong World’s Cleanest Airline habang nauwi naman ng JAL ang World’s Best Economy Class award.

Ang World Airline Awards ang itinuturing na Oscars ng aviation industry kung saan ang mga pasahero mismo ang namimili kung ano para sa kanila ang pinakamahusay na airline.

Follow me!