今週の動画

134,607 VISAS, INISYU NG JAPAN SA PILIPINAS

Isa ang Pilipinas sa mga bansa kung saan maraming mamamayan ang nabigyan ng Japanese visa noong 2022.

Pangatlo ang mga Pilipino sa dami ng mga dayuhang nabigyan ng visa na umabot sa 134,607, ayon sa tala ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA).

Umabot naman sa kabuuang bilang na 1.29 milyon na mga visa ang na-isyu ng ministro. Inaasahan na mas dadami pa ito kasunod nang muling pagbubukas ng borders ng Japan sa international travel.

Bago ang COVID-19 pandemic, inaprubahan ng MOFA ang 8.28 milyon na visa para sa mga dayuhan noong 2019.

Follow me!