今週の動画

1 SA BAWAT 10 DAYUHANG TURISTA NA BUMISITA SA JAPAN NOONG ABRIL, NAGTUNGO SA TEAMLAB PLANETS

Umabot sa humigit-kumulang sa 170,000 dayuhang turista ang bumisita sa teamLab Planets nitong nakaraang Abril.

Ito ay mahigit 9 na porsyento sa kabuuang bilang na 1,949,100 dayuhang bisita na naitala ng Japan National Tourism Organization (JNTO) na nangangahulugang 1 sa bawat 10 banyagang turista na nagtungo sa bansa para sa naturang buwan ay pumasyal sa museo.

Simula nang muling buksan ng Japan ang borders nito para sa international tourism noong Oktubre 2022 ay maraming mga dayuhang turista mula sa 174 na bansa at rehiyon ang bumisita sa teamLab Planets.

Follow me!