今週の動画

PAGGASTA NG MGA DAYUHANG BUSINESS TRAVELERS GUSTONG PALAKASIN NG JAPAN

Balak ng gobyerno ng Japan na pataasin ng 20 porsyento ang paggasta ng mga dayuhang business travelers sa bansa sa 860 bilyong yen pagsapit ng taong 2025.

Kabilang ito sa action plan sa inbound tourism promotion na pinagtibay ng pamahalaan sa isang ministerial meeting, saad sa ulat ng Jiji Press.

Dagdag pa sa report, plano ng rin ng Japan na tumanggap ng mas maraming dayuhang mananaliksik sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga world-class research centers at pagsasagawa ng mas maraming international conferences at art festivals.

Follow me!