今週の動画

TERMINAL 2 SA HANEDA AIRPORT, BUBUKSAN PARA SA INTERNATIONAL FLIGHTS SIMULA HULYO 19

Nakatakdang buksan muli ng Haneda Airport ang bahagi ng Terminal 2 nito para sa international flights para matugunan ang travel demand simula Hulyo 19.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, isinara ang bahagi na ito ng terminal dahil sa COVID-19 pandemic.

Lilimitahan naman ang oras ng operasyon nito dahil sa kakulangan sa airport staff.

Sa kasalukuyan ay tanging Terminal 3 lamang ang ginagamit para sa international flights.

Follow me!