今週の動画

JAPAN, PINAKAPOPULAR NA DESTINASYON PARA SA MGA PINOY – GOOGLE

Nanguna ang Tokyo sa mga travel destinations na gustong puntahan ng mga Pilipino sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto, base sa Google searches.

Sa ulat ng CNN Philippines, nanguna rin ang Japan sa most searched na bansa ng mga Pilipino.

Nitong Enero hanggang Abril ay nagtala ang Land of the Rising Sun ng 173,000 turistang Pinoy, ayon sa paunang datos ng Japan National Tourism Organization.

Samantala, sinabi rin ng Google na kabilang ang Japan sa pinanggagalingan ng dami ng bilang ng mga dayuhan na bumibisita sa Pilipinas.

Follow me!