今週の動画

KUROBE GORGE SA TOYAMA, PWEDE NANG PASYALAN SIMULA HUNYO 16

Sisimulan na ng operators ng Kurobe Gorge sa Toyama Prefecture ang day trips dito mula Hunyo 16 kung saan makikita ang Northern Japan Alps kapag maganda ang panahon.

Ang excursion na may kasama pa na ibang itinerary ay tatagal ng hanggang anim na oras. Isasagawa ito tatlong beses kada Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes hanggang Nobyembre 13, ayon sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Nagkakahalaga ng 7,000 yen ang tour fee at maaaring magpareserba sa website (https://kurobe-panorama.jp/).

 

 

Follow me!