JAPAN RAIL PASS PARA SA MGA DAYUHANG TURISTA, MAGTATAAS NG PRESYO
Nakatakdang magmahal ang presyo ng Japan Rail Pass para sa mga dayuhang turista na bumibisita sa Japan simula sa Oktubre.
Inilabas kamakailan ng JR Group ang nirebisang plano para sa presyo ng multi-use pass na sumasaklaw sa mga linya ng tren ng JR Hokkaido, JR East, JR Central, JR West, JR Shikoku at JR Kyushu.
Mula sa kasalukuyang ¥29,650 per adult para sa seven-day pass, ¥47,250 para sa 14-day pass at ¥60,450 para sa 21-day pass ay magiging ¥50,000, ¥80,000 at ¥100,000 ang mga ito base sa pagkakasunud-sunod.
Kasama rin sa plano ang pagbibigay ng access sa pagsakay sa Nozomi at Mizuho bullet trains na hindi sakop ng kasalukuyang Japan Rail Pass.
Ang JR Rail Pass ay isa sa pinakamadaling paraan para maglakbay sa bansa sa pamamagitan ng tren.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo