今週の動画

HALOS 900 BILYONG YEN, NAGASTA NG MGA DAYUHANG TURISTA SA JAPAN NOONG 2022

Nasa 898.7 bilyong yen ang nagasta ng mga dayuhang turista na bumisita sa bansa noong nakaraang taon kasabay nang pagdagsa ng mga ito sa bansa kasunod nang pagluluwag ng COVID-19 border restrictions noong Oktubre.

Mas mataas ito kumpara sa 120.8 bilyong yen na nai-rekord taong 2021. Ayon sa survey ng Japan Tourism Agency, ang average na paggasta bawat dayuhang turista ay 234,524 yen, saad ulat ng Kyodo News.

Layon ng bansa na makapagtala ng 5 trilyong yen sa taunang paggasta ng mga dayuhang bumibisita rito.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /