INTERNATIONAL DUTY-FREE DELIVERY SERVICE, PINO-PROMOTE NG JAPAN
Maaari nang ipa-deliver ng mga dayuhang turista na bumibisita sa Tokyo ang mga binili nilang souvenirs at iba pang bagay sa mga shops sa Haneda Airport overseas.
Ito ay kasunod nang pagpapalawak ng Japan Tourism Agency sa international home-delivery service sa mga duty-free purchases sa nasabing paliparan, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Inilunsad ng ahensya ang serbisyo taong 2016 at itong linggo ay pinapalakas nila ito sa pamamagitan ng isang linggong trial bago isagawa rin sa iba pang airports sa bansa.
Sa kasalukuyan ay sineserbisyuhan pa lamang nito ang mga customers mula sa mga bansang South Korea, Taiwan at Hong Kong.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa