今週の動画

SHIZUOKA, NANGUNA SA SURVEY BILANG POPULAR RELOCATION DESTINATION NOONG 2022

Pinakasikat na relocation destination ang Shizuoka Prefecture noong nakaraang taon base sa survey na isinagawa ng Furusato Kaiki Shien Center, isang Tokyo-based nonprofit organization.

Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, ito na ang pangatlong taon na nanguna ang prepektura kung saan isa sa mga dahilan ng mga respondents ay ang lapit nito sa Tokyo.

Nanguna ang Shizuoka Prefecture sa age group na 20 taong gulang pababa hanggang sa 70 taong gulang pataas.

Pumangalawa naman sa pwesto ang Nagano Prefecture na sinundan ng Tochigi, Yamanashi at Fukuoka prefectures.

Follow me!