PINAKAPOPULAR NA SUMMER FESTIVAL SA TOKYO, MAGBABALIK SA HULYO
Makalipas ang apat na taon ay muling gaganapin ang Sumida River Fireworks Festival sa Hulyo 29 kung saan tampok ang humigit-kumulang 20,000 fireworks.
Ito ang pinakapopular na summer festival sa Tokyo na nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
Kada taon ay halos isang milyong lokal at dayuhang turista ang dumarayo upang masaksikan ang kaganapang ito.
Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng mga organizer na nagpasya silang muling isagawa ang kaganapan ngayong taon dahil ibababa ng gobyerno ang legal na klasipikasyon ng COVID-19 sa darating na Mayo.
この記事を書いた人
