今週の動画

DESISYON SA PAGSUSUOT NG FACE MASK SA MGA JAPANESE AIRLINES, IPAPAUBAYA SA PASAHERO

Ipapaubaya na ng mga Japanese airlines sa mga pasahero ang pagdedesisyon kung magsusuot sila o hindi ng face mask sa loob ng eroplano simula Marso 13.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, rerebisahin ng Scheduled Airlines Association of Japan na binubuo ng mga domestic airlines ang kanilang panuntunan ukol sa COVID-19 kasabay nang pagbabago ng gobyerno.

Katuwang nito ang All Japan Airport Association kung saan kabilang naman ang mga airport operators sa pagbuo ng panuntunan sa pagsusuot ng face mask ng mga pasahero noong 2020.

Follow me!