CHERRY BLOSSOMS SA SHIZUOKA, DINARAYO NG MGA TURISTA
Dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista ang Kawazugawa river sa Shizuoka Prefecture dahil sa maagang pamumulaklak ng mga cherry blossoms dito.
Pamoso ang Kawazu-zakura na uri ng cherry blossom sa mas maagang pamumulaklak nito kumpara sa ibang uri ng sakura. Sa ngayon ay nasa 40 hanggang 70 porsyento na ang namumulaklak, saad sa ulat ng The Asahi Shimbun.
Masisilayan ang pamumulaklak ng aabot sa 850 puno ng mga ito hanggang sa katapusan ng Pebrero, ayon sa Kawazu Tourist Association.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS