今週の動画

MGA RYOKAN AT HOTEL SA JAPAN, KULANG NG MGA MANGGAGAWA

Nagpahayag ng pag-aalala si Japan National Tourism Organization (JNTO) President Satoshi Seino kaugnay ng kakulangan ng mga manggagawa sa mga ryokan at hotel ngayong bumalik na ang sigla sa inbound tourism ng bansa.

Sinabi ni Seino na maaari itong makaapekto sa dumaraming mga turista lalo na sa mga probinsya, batay sa ulat ng Jiji Press.

Bukod sa mga ryokan at hotel workers, mayroon din umanong kakulangan sa mga airport ground staff at iba pang manggagawa sa industriya na may kinalaman sa turismo.

Follow me!