MGA TURISTA SA JAPAN MAAARI NANG MAMILI NG DUTY-FREE GOODS GAMIT ANG VENDING MACHINES
Mas pinadali ng WAmazing Inc., isang online platform para sa mga dayuhang turista, ang pamimili ng mga duty-free na mga produkto upang maiwasan ang mahabang pila at kalimitang aberya sa mga duty-free shops.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, nag-aalok ang WAmazing ng 6,900 na mga produkto, kabilang na ang mga popular na pagkain at cosmetics, na maaaring pre-order online at kukunin na lamang ng turista sa automated retail machines sa airports o sa ilang transport hubs sa mga pangunahing lungsod sa Japan.
Target ng kumpanya ang mga dayuhang turista, partikular na ang mga mula sa China, Hong Kong at Taiwan, dahil umano sa pagbaba ng bilang ng mga turista na galing sa tatlong bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa