今週の動画

SUPPORT MONEY PARA LABANAN ANG DECLINING BIRTH RATE SA JAPAN, KINOKONSIDERA

Nagpasya ang gobyerno na bumuo ng mga hakbang upang mabawasan ang pasanin ng mga taong mababa ang kita. Ito ay ang “support money” na kokolektahin bilang karagdagan sa mga premium ng social insurance upang maglaan ng mga pondo para labanan ang bumababang birth rate sa Japan.

Ayon sa Yahoo News, ang mga hakbang upang labanan ang pagbaba ng birthrate, tulad ng pagpapalawak ng mga allowance ng bata ay mangangailangan ng mga mapagkukunang pinansyal na aabot ng 3 trilyong yen taun-taon. Isinasaalang-alang ng gobyerno na bawasan ang  mga gastusin sa social security tulad ng pangangalagang medikal at nursing care at pagbuo ng bagong sistema ng suportang subsidy upang masakop ang humigit-kumulang 1 trilyong yen.

 

Follow me!