今週の動画

PAG-UUGNAY NG MY NUMBER AT BANK ACCOUNT, KINUKUNSIDERA NG GOBYERNO

Nais ng gobyerno na mahikayat ang mga mamamayan na kanilang i-link ang kanilang bank accounts sa kanilang My Number personal identification numbers upang mapadali ang pagbibigay ng tulong pinansiyal.

Plano ng gobyerno na susugan ang batas sa pagbubukas ng regular session sa Diet, batay sa ulat ng Jiji Press.

Sa ilalim ng bagong batas, tatanungin ng mga awtoridad ang account holder kung nais nitong i-link ang kanyang bank account sa My Number. Kailangang magbigay ng sagot ang account holder sa partikular na panahon at kung hindi ay ipagpapalagay ng gobyerno na pumayag ito.

Follow me!