今週の動画

PAGSUSUOT NG MASKS SA MGA PAARALAN SA JAPAN MAAARING TANGGALIN NA SA MARSO

Plano ng gobyerno ng Japan na tanggalin na ang patakaran nang pagsusuot ng masks sa elementarya at junior high school sa darating na Marso.

Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, kasalukuyang ipinapatupad ang pagsusuot ng masks sa mga estudyante lalo na kung walang sapat na distansya mula sa isa’t isa. Nais na tanggalin na ang panuntunan na ito dahil sa nawawalan umano ng komunikasyon ang bawat estudyante at nakakaapekto sa kanilang development.

Ang pagbabago na ito ay bunsod na rin ng pagnanais ni Prime Minister Fumio Kishida na ibaba sa alert level 5 ang status ng COVID-19 na maaaring maimplimenta sa Mayo.

Follow me!