TEST RUN NG SELF-DRIVING BULLET TRAIN, ISINAGAWA
Ipinakita ng operator ng Tokaido Shinkansen line mula Tokyo hanggang Osaka ang self-driving train technology na maaaring ilunsad sa loob ng ilang taon.
Nagsagawa ng test run ang JR Tokai kung saan mabilis na umandar ang bullet train sa 80-kilometrong ruta sa pagitan ng mga istasyon ng Hamamatsu at Shizuoka, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Sinusubukan ng kumpanya ang sistema mula noong 2021. Pipindutin lamang ng operator ang press button upang makarating ang shinkansen sa destinasyon nito. Hindi na rin kailangan ng interbensyon ng tao para ayusin ang bilis nito.
Layon ng kumpanya na simulan ang paggamit ng teknolohiya pagsapit ng taong 2028.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo