PAGGASTA NG MGA DAYUHANG TURISTA SA JAPAN, NANUNUMBALIK NA
Muling nanunumbalik ang paggasta ng mga dayuhang turista sa Japan, na lumalapit sa halaga bago mag-pandemiya batay sa isinagawang analysis ng Sumitomo Mitsui Card at Japan Research Institute.
Sa ulat ng Nikkei Asia, pinag-aralan ng dalawang ahensiya ang credit card transactions ng mga dayuhang turista noong Disyembre 2022 at ikinumpara sa parehong buwan noong 2019. Lumabas na tumaas ng 60 porsyento ang paggasta sa theme parks, 40 porsyento sa mga tindahan ng damit, at 30 porsyento sa mga restaurants.
Bumaba naman ng 20 porsyento ang paggasta sa shopping malls habang 60 porsyento naman ang ibinaba sa mga department stores.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East