INANUNSYO NG JAL NA ANG FUEL SURCHARGE PARA SA AGOST AT SETYEMBRE
Ang Japan Airlines (JAL/JL, 9201) ay nag-anunsyo noong Hunyo 17 na pananatilihin nito ang fuel surcharge na binabayaran ng mga internasyonal na pasahero kapag bumili ng mga air ticket ngayong Agosto at Setyembre 2024.
Ayon sa ulat ng Aviation Wire, para sa mga round trip, ang surcharge ay mananatili sa 70,000 yen hanggang Europa at Estados Unidos, at 45,000 yen sa Hawaii. Bagama’t unti-unting naging stable ang presyo ng krudo, patuloy naman na humihina ang yen sa dolyar.
Ang fuel surcharge bawat tao, one-way mula sa Japan ay mananatili sa 35,000 yen para sa North America, Europe, Middle East, at Oceania hindi kasama ang Hawaii, at 22,500 yen para sa Hawaii, Indonesia, India, at Sri Lanka.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East