SIMULA JANUARY 2024 BUBUO NG BAGONG POINT SYSTEM ANG JAL NA MAARING GAMITIN SA TICKET AT SHOPPING
Simula sa Enero 2024, ilulunsad ng JAL ang “JAL Life Status Program,” na nagbibigay ng bagong katayuan at mga benepisyo batay sa mga lifetime performance point na nakuha sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang serbisyo sa pang-araw-araw.
Ayon sa ulat ng Travel Voice, sa ilalim ng programang ito, depende sa kabuuang bilang ng Life Status Points (lifetime achievement point) ikaw ay eligible para sa membership sa kasalukuyang JAL Global Club o anim na bagong Star Grades.
Walang naman mga pagbabago sa programang FLY ON na nagbibigay ng status batay sa bilang ng mga flight sa isang taon.
Bilang karagdagan sa flight points, ang mga puntos ng Life Status ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang JAL Cards, JAL Pay, at paggamit ng JAL Mall, ngunit hindi tulad ng mga miles hindi ito magagamit para i-redeem ang mga rewards.
Ang flight history bago magsimula ang JAL Life Status program ay maco-convert sa Life Status point at ang mga points ay patuloy na maaccumulate.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East