BAGONG PRESIDENTE NG JAPAN AIRLINES, PINANGALANAN NA
Ang Japan Airlines (JAL) ay sumasailalim sa pagbabago sa top management matapos ang anim na taon. Si Mitsuko Tottori, ang papasok na pangulo, ay nahaharap sa hamon na pangunahan ang kumpanya tungo sa pagbangon pagkatapos ng pandemya.
Ayon sa Yomiuri News, ang industriya ng eroplano ay nasa rebounding stage pa rin na nadagdagan pa ng paghina ng ekonomiya ng China. Nag-ulat ang JAL ng kita para sa fiscal year magtatapos sa Marso 2023, ang final profit ng kumpanya ay bumalik na sa black mark matapos ang tatlong taon. Inaasahan na kikita ang JAL ng 80 bilyon yen para sa 2024 fiscal year.
Ayon sa kasalukuyang pangulo nito na si Yuji Akasaka, ang desisyon ay hindi nauugnay sa kamakailang banggaan sa Haneda Airport. Ang JAL ay nagpapatupad ng mga estratehiya para sa post-coronavirus stability, diversifying beyond aviation, optimizing operations, at pagtugon sa labor shortage sa pamamagitan ng digitalization.
この記事を書いた人

最新の投稿
blog2025/07/14What is inverted fuji or sakasa fuji?
News(Tagalog)2025/07/14Kumikilos ang Bagyong No. 5 sa hilagang silangan ng Kanto sa ika-14 ng Lunes. Ang Kanto at Tohoku ay nakaalerto para sa malakas na ulan, malakas na hangin, at mataas na alon.
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo