PREFECTURAL POOL SA OKINAWA HINDI MABUKSAN SA PUBLIKO DAHIL SA KAKULANGAN SA TUBIG
Sa Okinawa,dahil sa mababang bilang ng ulan at tagtuyot ay naging sanhi ng pagka-antala ng pagbubukas ng mga indoor at outdoor pool sa Prefectural Sports Park na nakakaapekto sa pagsisimula ng mga swimming lessons sa paaralan.
Ayon sa Ryukyu Shimpo news, ang 25-meter pool sa Prefectural Sports Park ay nananatiling sarado dahil sa konstruksyon at kakulangan ng tubig na ang muling pagbubukas ay nakasalalay sa antas ng tubig sa dam na umaabot sa 50% pagdating ng tag-ulan. Nananatiling undecided ang kapalaran ng 50-meter pool ayon sa direktor ng parke dahil sa kakulangan ng tubig.
Ang Spring Short Channel Age Group Swimming Championships ay lumipat sa Motobu Genki Village. Ang pagsisimula para sa swimming lesson sa mga paaralan ay maaaring magbago na may ilan na isinasaalang-alang ang pagpapaliban hanggang Hunyo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo