今週の動画

OKINAWA PUBLIC LIBRARY MAGBUBUKAS NGAYONG MARSO

Ang Prefectural Library (Izumizaki, Naha City) na pansamantalang sinarado hanggang sa katapusan ng Pebrero ay naglabas ng pahayag sa press ng bagong sistema ng reserbasyon bago ang muling pagbubukas nito sa ika-1 ng Marso.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, sa ilalim ng bagong sistema, kinakailangan ang reservation bago magamit ang library para sa humigit-kumulang 150 na upuan.

Ang reservation ay maaaring gawin sa website tatlong araw bago ang petsa ng paggamit. Ang mga reservation ay limitado sa 3 oras at maaaring i-extend kung may mga upuan na available sa araw ng reserbasyon. Maaari din gamitin ang “online user registration'” upang gumawa ng isang user card nang hindi na kailangang pumunta sa museo at magreserba ng mga hall at conference room.

Follow me!