今週の動画

OKINAWA AIRLINE RESERVATIONS UMABOT NG 31,000 DAHIL SA CHINESE NEW YEAR

Inihayag ng Okinawa Convention and Visitors Bureau (OCVB) ang mga projection nito para sa mga turistang dumating para sa Chinese New Year na nagsimula ng Pebrero 10, 2024.

Mula sa ulat ng Travel Voice, noong ika-31 ng Enero naiulat na humigit-kumulang 31,000 seats ang nakareserba sa 15 airline na direktang kumokonekta sa Okinawa mula sa Taiwan, South Korea, Hong Kong, at China.

Ang breakdown ng mga dumating na bisita mula Taiwan ay may 51% (16,203 seats), South Korea para sa 28% (8,747 seats), Hong Kong para sa 13% (4,179 seats), at China para sa 8% (2,684 seats).

Follow me!