今週の動画

ANA AT JAL NANGUNA SA ASYA PARA SA ‘WORLD ON TIME PERFORMANCE RATE’

Ang Cirium, isang kumpanyang dalubhasa sa pagsusuri ng data ng aviation, ay naglabas ng 2023 on-time ranking para sa mga airline. Ang Avianca, isang Colombian airline, ay nanguna sa world’s list na may 85.73% on-time average. Sumunod naman ang Azul Airlines ng Brazil (85.51%), Qatar Airways (85.11%), Delta Air Lines (84.72%), at Iberia Airlines (84.38%).

Mula sa Travel Voice, sa rehiyon ng Asia-Pacific, nakuha ng ANA ang unang spot sa on-time na performance na 82.75%, sinundan naman ng JAL sa 82.58%. Sa  kategoryang low-cost carrier, nakuha ng Jetstar Japan ang ika-4 na posisyon na may 84.60% performance rate.

Tinutukoy ng Cirium ang mga “on-time” na flight ang mga arrival at departure sa loob ng 15 minuto mula sa naka-iskedyul na oras. Ang mga pinagmumulan ng data ay sumasaklaw sa mga airline, paliparan, GDS (Global Distribution System), data ng lokasyon ng ADS-B, aviation authority, air traffic control service provider, proprietary data partnerships, at online source.

Follow me!