MILK AT RICE COUPON IPAPAMIGAY SA HOKKAIDO RESIDENTS NA MAY MGA BATA NA EDAD 18 PABABA
Magususumite ang Hokkaido prefecture ng supplementary budget bill sa prefecture assembly. Sa bill na ito nakapaloob ang bagong programa kung saan mamimigay sila ng rice at milk coupon para sa mga pamilya na may mga anak.
Ayon sa ulat ng Yahoo news, ang programang ito ay ginawa upang tulungan ang mga pamilya na may mga bata dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Ang mga voucher ay ipapadala sa pamilyang may mga bata na edad 18 at pababa.
Simula sa susunod na buwan, ang mga coupon na matatanggap ay pwedeng ipagpalit ng gatas at bigas na may halaga na 5,000 yen. Ang programang ito ay nagkakahalaga ng halos 2.6 bilyon yen kasama na din ang pagkabit ng mga airconditioner sa mga classrooms ng prefectural high school at special needs school.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo