今週の動画

4 NA REHIYON SA JAPAN NAPILI BILANG “BEST TOURISM VILLAGE” NG 2023

Inanunsyo ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) ang mga napiliing lugar para sa Best Tourism Villages para sa 2023. Kinikilala ng parangal ang mga rehiyon na nangunguna sa kanilang pagsisikap sa pag-aalaga sa mga rural na lugar at pag-iingat ng mga tanawin, pagkakaiba-iba ng kultura, mga lokal na halaga at tradisyon sa pagluluto.

Mula sa Japan, ang apat na rehiyong napili bilang Best Tourism Villages ay ang Biei mula sa Hokkaido, Hakuba mula sa Nagano Prefecture, Okumatsushima mula sa Miyagi Prefecture, at Shirakawa mula sa Fukushima Prefecture. Ang Asuka Village sa Nara Prefecture ay napili naman para sa upgrade program.

Ang Best Tourism Villages ay napili base sa bilang ng mga turista at ang kultural at likas na yaman ng rehiyin pati na ang pagpapanatili ng mga halaga ng komunidad.

Follow me!