GAMIT NA MANHOLE COVERS, IBEBENTA NG KYOTO
Ibebenta ng municipal government ng Kyoto ang tatlong gamit na iron maintenance hole lids sa publiko sa halagang 5,500 yen bawat isa.
Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, tatlong uri ng covers ang ibebenta na ginawa noong 1978, 1981 at 1990.
Bawat isa ay may sukat na 66 sentimetro at bigat na 80 hanggang 90 na kilo. May mga kalawang at gasgas na ang mga ito dahil sa mahigit 30 taon na paggamit.
Mayroong humigit-kumulang sa 160,000 maintenance holes sa lungsod.
Tatanggap ng aplikasyon mula sa mga interesadong bumili ng mga ito sa pamamagitan ng email at postal mail hanggang Oktubre 13. Maaaring tumawag sa 075-672-7710 (in Japanese) para sa mga katanungan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/30Nag labas ng Tsunami warning ang japan pagkatapos ng M8.7 na lindol sa Kamchatka Peninsula
News(Tagalog)2025/07/24Ang Hokkaido ay maaaring aabot sa 40 degrees Celsius, mapanganib na init na maaaring magdulot ng panganib sa buhay; maging alerto para sa heatstroke
News(Tagalog)2025/07/23Sunog sa 10 palapag na apartment building, posibleng sanhi ng handheld fan habang nagcha-charge; 6 na lalaki at babae ang bahagyang nasugatan, Shinagawa, Tokyo
News(Tagalog)2025/07/18Ang presyo ng condo sa Central Tokyo ay umabot sa record na 130 milyong yen noong Enero-Hunyo