BILANG NG AIRLINE PASSENGERS SA NARITA AIRPORT, TUMAAS
Tumaas ang bilang ng mga pasahero ng eroplano na dumarating at umaalis sa Narita Airport noong 2022 matapos na magbukas ang Japan sa mga turista noong Oktubre.
Sa ulat ng NHK World-Japan, nasa 15.42 milyong pasahero ang gumamit ng Narita Airport noong nakaraang taon, ang bilang ay mas mataas ng 10 milyon o 2.9 beses kumpara noong 2021.
Pumatak sa 9.03 milyon ang mga international passengers, mas mataas ng 4.7 beses kumpara noong 2021 habang nasa 6.38 milyon naman ang domestic flight passengers, na mas mataas naman ng 1.9 beses.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS