BILANG NG FOREIGN RESIDENTS NG JAPAN UMABOT NA SA 3.2 MILLION
Ngayong 2023, umabot sa 3.2 milyon foreign residents ang nakarehistro sa Japan. Ito ang naging sagot sa kakulangan sa mga manggagawa sa Japan. Nong Hunyo, inireport ng Immigration Services Agency na umabot ng 3,223,858 foreigner ang naninirahan sa Japan. Ito ay tumaas ng 148,645 kumpara sa nakaraang taon.
Ayon sa ulat ng Japan Times, ang pagtaas ay mula sa skilled workers at technical trainees na nagtatrabaho sa mga specific na industriya. Umabot naman sa 880,178 ang mga permanent resident ng Japan. Ito ay nagtala ng 1,9% na pagtaas.
Ang working visa naman na may status na Engineers, Humanities Specialists, at International Service Professionals ay umabot sa 346,116 na may 10.9% na pagtaas.
Sa specified skill worker na visa nanguna sa bilang ang mga Chinese nationals sinundan ng Vietnam at South Korea.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East