今週の動画

TOKYO DISNEY MAGBUBUKAS NG LUXURY HOTEL ROOMS NA NAGKAKAHALAGA NG 340,000 YEN PER NIGHT

Ang Tokyo Disney Resort sa Urayasu City, Chiba Prefecture, ay nakatakdang magbukas ng isang luxury resort sa Hunyo sa loob ng bagong lugar ng Tokyo DisneySea.

Ayon sa Yahoo Japan, ang Tokyo DisneySea Fantasy Springs Hotel ay mag-aalok ng mga luxury rooms na nagkakahalaga ng higit sa 340,000 yen (tax included) bawat gabi.

Sa kabuuan ito ay may 475 guest rooms, ang hotel ay may kasamang “Fantasy Chateau” at “Grand Chateau” na mga gusali na nag-aalok ng mas mababang presyo at deluxe accommodation na nagsisimula sa 66,000 yen bawat kwarto at ang top of the line na kwarto naman ay 341,000 per night. Ang hotel ay nakatakdang buksan sa June 6.

Follow me!