今週の動画

JAPAN PLANONG GAWING ONLINE ANG SUBMISSION NG BIRTH CERTIFICATE PARA SA MGA BAGONG SILANG

Plano ng gobyerno ng Japan na gawing posible ang pagsumite ng rehistro ng kapanganakan ng kanilang mga anak sa mga lokal na munisipalidad sa pamamagitan ng Mynaportal website para sa mga may hawak ng My Number personal identification card.

Ayon sa Jiji Press, ang hakbang ay naglalayong alisin ang pangangailang pumunta at personal na submisyon ng mga dokumento sa mga counter ng pamahalaang munisipyo, ang prosesong ito ay magbabawas din ng administratibong pasanin sa mga munisipalidad.

Follow me!