今週の動画

JR EAST MAGSISIMULANG MAGBENTA NG UNLIMITED RIDE PASS SA HALAGANG ¥10,000 PARA SA WEEKDAY TRAVEL

Inanunsyo ng JR East na magsisimula silang magbenta ng unlimited ride pass para i-promote ang weekday travel kung saan mas mura ang accommodation at isa na ring paraan para suportahan ang lokal na turismo.

Magsisimula ito sa sa Pebrero mula Valentine’s day hanggang White day. Ang “Let’s travel on weekdays! JR East Tabi (Kyun) Early Bird Pass” ay mabibili online for ¥10,000. Inaasahan na ito ay magiging mabenta para sa mga kabataan lalo na ang mga estudyante subalit walang age restriction para makabili ng ticket.

Ayon sa Travel voice, ang unlimited pass ay maaaring gamitin sa lahat ng JR East lines kasama ang Aoimori Railway Line, Iwate Galaxy Railway Line, Sanriku Railway Line, Hokuetsu Kyuko Line, and Echigo Tokimeki Railway Line (sa pagitan ng Naoetsu and Arai).

Follow me!