TAX FREE SYSTEM NG JAPAN, PLANONG BAGUHIN
Nadiskubre na noong taong 2022 na 374 na tao ay gumasta ng mahigit 100 milyong yen para sa tax free items sa Japan. Pinaghihinalaan na ang mga produkto na binili ay ibinebenta muli.
Ayon sa ulat ng Yahoo news, para maiwasan ang ganitong gawain, iminumungkahi na ang implementation ng tax refund ay gagawin na lamang matapos makumpirma ang mga binili bago ang kanilang departure.
Ang kasalukuyang tax free system ay para sa mga souvenier na binili ng mga turista sa mga duty free shop para sa kanilang personal use at hindi maaring iresell.
Ang proseso ay naging ganap na digital noong Oktubre 2021. Nalaman ng isang pagsisiyasat batay sa data na ito na noong 2021, 51,726 indibidwal ang gumastos ng 1-10 milyong yen, 1,838 ang gumastos ng 10-100 milyong yen, at 374 ang lumampas sa 100 milyong yen.
Ang mga nangungunang gumagastos na ito ay sama-samang umabot ng 170.4 bilyong yen, na may average na 450 milyong yen bawat tao. Ang Customs ay nakikipagtulungan sa mga airline sa pag-inspeksyon sa 57 katao na nasa “top spender” na listahan. Ayon sa imbestigasyon, 1 tao lamang mula sa 57 na katao ang napatunayang lumabas ng bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo