今週の動画

KASO NG MYCOPLASMA PNEUMONIA SA CHINA TUMATAAS, EDAD 12 PABABA APEKTADO

Simula Setyembre, ang bilang ng mga bata na nagkaroon ng respiratory problem tulad ng mycoplasma pneumonia sa China ay tumataas. Ang mga ospital pati na rin ang pediatric na ospital ay kasalukuyang “overwhelmed” ng mga pasyente.

Mula sa ulat ng FNN news, tinuturing na contagious disease ang Mycoplasma pneumonia na sakit na may symptoms ng lagnat at ubo. Inihahalintulad ito sa covid-19.

Ang mga naapektuhan ng sakit ay karaniwang mga bata na edad 12 pababa. Inaasahan na ang sakit na ito ay aabot din sa Japan lalo na nagsimula na din makitaan ng nga similar na kaso ang South Korea. Ang mga kaso sa South Korea ay nakitaan ng dobleng pagtaas.

 

Follow me!