今週の動画

62% NG JAPANESE WORKERS AY GUMAMIT NG KANILANG PAID FAMILY LEAVE

Noong 2022, nagtala ang mga pribadong empleyado ng Japan ng average na 10.9  sa paggamit ng kanilang annual leave mula sa total na 17.6 leaves. Ito ay mas mataas ng 3.8% kumpara sa taong 2021 ngunit hindi pa rin umabot sa 70% na goal ng gobyerno hanggang taong 2025.

Mula sa ulat ng Japan Times, ito ay resulta ng survey mula sa Ministry of Health, Labor and Welfare mula sa 6,421 na kumpanya. Ayon din sa survey, ang mga manggawa mula sa malalaking kumpanya ay nag-average ng 65.6% leave usage at 57.1% naman para sa maliliit na kumpanya. Ang mga business naman na tulad ng post office ay nakitaan ng pinakamataas na percentage na 74.8% at kabaliktaran naman para sa mga manggagawa mula sa Food and Accommodation services na nasa 49.1% lamang.

Follow me!

この記事を書いた人

東京支店
東京支店