今週の動画

AIRBNB NAG-ANNOUNCE NG ‘LATEST TRENDS’ UKOL SA TRAVEL NGAYONG 2024

Ang Japanese subsidiary ng Airbnb, na mayroong ng higit sa 7 milyong listahan sa buong mundo, ay nag-announce ng “open travel” bilang nangungunang trend ng 2024.

Ang insight na ito ay nagmula sa isang taon ng pag-book ng data matapos ang strict border control. Nagpapakita ng 75% na pagtaas ng mga domestic trip kumpara sa mga datos bago ang COVID . Ang mga travel naman ng grupo ng apat o higit pa ay umakyat sa 110% na pagtaas sa mga booking. Ang mga destinasyon tulad ng Ishigaki Island at Nasu Town ay umangat na humihikayat ng mga bisita na naghahanap ng mas tahimik na bakasyon sa labas ng mataong cityscape.

Ayon sa Aviation news, bilang tugon sa mga pagbabagong ito, nagdagdag ng natatanging feature ang Airbnb sa Japan kabilang ang “filter ng amenity/equipment” na nagbibigay-daan sa accurate na paghahanap para sa mga sauna o home theater. Mayroon ding tool na “paghahanap ayon sa lugar/pangalan”, na tumutukoy sa mga tirahan malapit sa mga pangunahing landmark.

Higit pa rito, inilunsad ng Airbnb sa buong mundo ang “Guest Choice,” na binibigyang diin ang mga property na may pinakamataas na rating batay sa malawak na feedback ng bisita.

Follow me!