今週の動画

JAPAN, NANGUNA SA TRAVEL DESTINATION SEARCHES NG AIRBNB

Inihayag kamakailan ng Airbnb ang ulat nitong “Airbnb 2024 Global Travel Trend Forecast.” Itinatampok nito ang Japan bilang ang pinakapopular na destinasyon sa kanilang platform.

Ayon sa Travel voice, sa darating na bagong taon, ang travel na related sa Paris 2024 Summer Olympics at ang solar eclipse sa United States ay inaasahang makakaimpluwensya nang husto sa travel trend ng 2024.

Kung ihahambing ang data mula sa una hanggang ikatlong quarter ng 2023 at 2024 sa platform ng Airbnb, ang Japan ay namumukod-tangi sa may pinakamaraming “search hits”. Ang bilang ng Japan related searches ay higit sa triple kumpara sa nakaraang taon, ayon sa Airbnb.

Follow me!