今週の動画

FRANCE’S ACCOR, PINAKAMALAKING HOSPITALITY GROUP SA MUNDO, MAGBUBUKAS NG 23 HOTELS SA JAPAN

Ang Accor, isa sa pinakamalaking hospitality group sa mundo na may mahigit 5,500 hotel sa 110 bansa, ay magbubukas ng 23 Grand Mercure at Mercure brand hotel sa Japan sa Abril 1, 2024.

Lahat ng mga hotel na bubuksan ay ire-rebrand at pamamahalaan ng Yamato Resorts at ang pagtanggap ng reserbasyon naman ay magsisimula sa Nobyembre ng susunod na taon.

Ang Grand Mercure na bubuksan sa Japan ay kasalukuyang mayroong humigit-kumulang 60 na lokasyon sa 12 bansa sa buong mundo at ito ay may konsepto na “Proudly local” kung saan ang mga customer ay lubos na makakaranas ng pagkain at kultura ng bawat rehiyon.

Follow me!