今週の動画

MULTIFUNCTION LOCKERS, IKAKABIT NG JR EAST SA MGA ISTASYON

Maglalagay ang East Japan Railway o JR East ng mga multi-purpose coin lockers sa mga istasyon kung saan ang mga tao ay maaaring makatanggap ng packages.

Sa ulat ng NHK World-Japan, maaaring matugunan nito ang problema sa kakulangan ng mga drayber ng mga delivery companies.

Bukod sa pagiging luggage storage ay maaari itong gamitin sa pagtanggap ng produkto na binili online.

Plano ng JR East na ilagay ang mga lockers sa nasa 1,000 lokasyon sa Tokyo area sa susunod na tatlong taon.

Follow me!